BREAKING: DDS, Harry Roque, Jimmy Bondoc PDP-Laban BISTO SA PAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS LABAN SA ICC

Muling umingay online ang mga DDS o kampon ni Digongyo matapos magpakalat ng mga post na nagsasabing “nanlilimos” daw ang International Criminal Court (ICC) ng ebidensiya laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang naka-detain sa The Hague.

Ang claim ay pina-viral sa social media ng mga DDS at ng PDP-Laban, partido ng mga Duterte sa Davao, kung saan pinalalabas na mahina raw ang kaso ng ICC at wala umanong sapat na ebidensiya laban sa kanilang poon.

Sa isang post ng PDP-Laban sa Facebook, X, YouTube at iba pang platforms, sinabi nila:

“ICC, nanlilimos ng ebidensiya laban kay dating Pang. Duterte? PDP-Laban Arbitration Committee Chairperson Atty. Jimmy Bondoc took to Facebook to comment on the International Criminal Court’s ongoing investigation into the Philippine drug war.”

Kalakip ng post ang screenshot ng mensaheng ipinakalat ni Jimmy Bondoc, isang kilalang DDS personality na ngayon ay nahaharap sa mga kasong inciting to sedition at inciting to rebellion or insurrection.

Sa kanyang Facebook post, kung saan dinamay pa ang buong bansa, sinabi ni Bondoc:

“Filipinas: Bring him home. ICC: ‘No. By the way, guys, baka may ebidensiya kayo. Pa-send na lang po.’”

Pero ayon sa mga legal observers, ang tinatawag ng DDS na “panlilimos” ay ang “witness appeal” ng ICC — isang standard procedure sa lahat ng ongoing investigations ng korte. Ginagawa ito ng ICC sa iba’t ibang kaso para anyayahan ang posibleng testigo na magsumite ng impormasyon sa ligtas at pormal na paraan.

Ibig sabihin, hindi ito senyales ng kahinaan ng kaso, kundi indikasyon na active at lumalawak ang imbestigasyon.

At siyempre, isa rin sa mga nagpapakalat ng fake news ay ang puganteng si Harry Roque na gustong maging ICC lawyer ni Digongyo dahil sa pera pero itinapon lang siyang parang basura ng mga anak ng dating pangulo.

Pinapalabas ng mga fake news peddlers na DDS na wala raw hawak na ebidensiya ang ICC laban kay Duterte. Pero ayon sa mga eksperto, kabaligtaran ang mensahe ng witness appeal — papunta na ang kaso sa mas seryosong yugto at posibleng full-blown trial.

Dahil dito, ayon sa mga kritiko, nagre-resort na sa disinformation ang kampo ng DDS at lantaran pang sinisiraan ang ICC upang iligaw ang publiko sa tunay na estado ng kaso ni Digongyo sa The Hague.

Leave a comment