BREAKING: MAYNILA, BINIGLA NG MALAKING TAAS-SINGIL SA BASURA SA ILALIM NG BAGONG ORDINANSA NI YORME

Nabulaga ang mga negosyante sa Maynila matapos ipatupad ngayong Jan. 1 ang Ordinance No. 9151 na pinirmahan ni Mayor Isko Moreno, na nagtaas ng garbage collection fees para sa mga negosyo at establishments sa lungsod.

Matapos ang mahigit 10 taon mula 2013 na walang galaw ang singil sa basura, bigla itong tumaas, at ayon sa mga apektadong negosyante, umaabot sa mahigit pitong beses, habang ang iba’y nagsasabing hanggang 30 times ang itinaas ng kanilang bayarin.

Ayon sa city guidelines, hindi pare-pareho ang singil kada industry o klase ng negosyo. Kung dati ang maliliit na kainan ay nagbabayad lamang ng ₱600 hanggang ₱1,200 kada taon, ngayon ay aabot na sa ₱12,000.

Sa mga motel at hotelper room ang computation, depende kung single, double, o suite. Damay rin ang mga boarding house sa U-Belt area, at ang may-ari ng maraming branch ng negosyo ay kailangang magbayad per branch, dahilan para marami ang umangal sa biglaang dagdag-gastos.

Sa kanyang paliwanag, iginiit ni Moreno na ang ₱12,000 ay hindi raw mabigat kung hahatiin sa arawan. Aniya, lalabas lamang itong nasa ₱30 kada araw para sa small business.

Pero kontra ng mga negosyante, malinaw pa rin sa math na mas maliit ang dating ₱1,000 per year kumpara sa bagong singil, kaya patuloy ang reklamo ng sektor ng negosyo sa Maynila.

Hindi rin nawawala ang mga tanong sa likod ng ordinansa. Kumakalat ang usap-usapan na malapit umano kay Moreno ang owner ng garbage contractor na si Nathaniel “Nel” Velasco, na tinatawag ng ilan bilang “garbage crony.”

May pera nga sa basura, ayon sa mga kritiko, kaya panawagan ng ilan na siyasatin kung may ugnayan sa campaign donations ang kontratista sa alkalde.

Leave a comment