BREAKING NEWS | 2nd and 3rd Cyber Libel Cases Isinampa vs Cong. Kiko Barzaga

“The damage has been done,” kaya tuloy ang kaso diumano laban sa DDS fake news peddler at saltik-meow na si Kiko Barzaga.

Kaninang umaga ng Miyerkules, January 21, nagsampa ng ikatlong cyber libel case si Manila Rep. Rolando Valeriano laban sa kongresista ng Dasmariñas, Cavite kaugnay ng malisyoso at mapanirang alegasyon ni Barzaga na tumanggap umano siya at ang National Unity Party ng suhol mula sa bilyonaryo at ICTSI owner na si Enrique Razon Jr.

Kahapon naman, naghain din ng ikalawang cyber libel complaint si Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno laban kay Barzaga.

Si Puno rin ang naunang nagsabi na wala na umanong karapatang makabalik pa sa Kongreso si Barzaga at bago matapos ang suspension nito, dapat muna itong sumailalim sa mental checkup para masiguro na hindi nga ito “sira-ulo,” gaya ng sinabi rin ni Razon.

Mariing itinanggi ni Puno ang paratang.

“Wala akong tinanggap na kahit anong bribe mula kay Razon o kanino man. Humihingi ako ng hustisya sa pinsalang idinulot ng maling at malicious na public accusation,” ayon kay Puno.

Samantala, nagbigay naman ng halatang hindi sincere na apology si Barzaga kay Razon, na ayon sa kanya ay isa umano sa tumulong sa kandidatura sa Kongreso ng kanyang yumaong ama.

Kagaya ni Leandro Leviste, isa ring notorious nepo baby si Barzaga mula sa isang alleged corrupt political dynasty sa Etivac, na may ugong-ugong pa tungkol sa koneksiyon ng pamilya sa mundo ng droga sa panig ng kanyang ina.

Inamin mismo ni Barzaga na ang kanyang mga malicious Facebook posts, kung saan inakusahan niya ang bilyonaryo ng lantarang panunuhol, ay pawang personal assumption lang niya mula sa tinatawag niyang “moral perspective o personality.”

Kung ano man ang ibig sabihin ni Barzaga sa terminong ‘yan, mukhang siya lang ang nakakaintindi.

Pero hanggang ngayon, online pa rin ang kanyang mga mapanirang post—isang indikasyon na handa raw siyang humarap sa mga reklamong isinampa laban sa kanya. At kung sincere man o hindi ang tinatawag niyang apology, mukhang ang saltik na si Barzaga lang din ang may alam kung ano talaga ang ibig niyang sabihin.

Leave a comment