BREAKING NEWS | Palpak ang “Cabral Files” ni Crying Leandro, Public Info Lang Pala ang Ibinulgar

Palpak ang inaabangang “pasabog” ni Batangas Rep. Leandro “Crying Leandro” matapos niyang ilabas sa Facebook ang tinatawag niyang Cabral Files, na ayon sa mga source, pawang publicly available documents lamang at walang bagong ebidensiyang nag-uugnay sa umano’y katiwalian sa flood control projects.

Matapos ang ilang linggong drama, iyak at pa-teasing sa media, inilabas ni Leandro nitong Jan. 20 ang mga dokumento na ipinangako niyang magiging “game changer.” Ngunit sa halip na isang smoking gun, lumabas na parang watusi lang ang pasabog ni Galunggong, maingay sa simula, pero walang tinamaan.

“This is public information. Anyone can download these online,” ayon sa isang source na pamilyar sa mga dokumentong inilabas. “Kung ito ang tinago niya ng halos dalawang buwan, nasaan ang sinasabi niyang bomba?”

Nauna nang iginiit ni Leandro na may banta raw sa kanyang buhay dahil sa hawak niyang files. Pero hanggang ngayon, wala siyang inilalabas na police blotter o pormal na reklamo sa mga awtoridad.

Sa halip na magsampa ng kaso, pinili ni Leandro na i-post ang mga dokumento sa social media—na agad namang nag-viral at umani ng libo-libong reaksyon mula sa kanyang mga tagasuporta.

Para sa ilang observers, malinaw ang direksiyon ng galaw ni Crying Leandro: clout, hindi hustisya.

“Kung may ebidensiya ka, sa korte ka pumunta, hindi sa Facebook,” ayon sa isang legal analyst.

May hinala rin ang ilang source na pilit umanong isinisingit ni Leandro ang sarili sa flood control scandal upang ilihis ang atensiyon mula sa mga tanong sa sarili niyang political at business ties, at gamitin ang Cabral Files bilang leverage laban sa gobyerno.

Leave a comment