
Muling naging sentro ng kontrobersiya si solar executive Leandro “Crying Leandro” Leviste nitong linggo matapos maglunsad ng sunod-sunod na media interviews kung saan sinisi niya ang gobyerno sa pagkabigo ng ilan sa kanyang solar projects, kahit na nakatanggap na ang kanyang mga kumpanya ng malalaking prangkisa at kontrata mula sa estado.
Sa mga panayam kina Alvin Elchico at Doris Bigornia, iginiit ni Leviste na ang “red tape” umano ang dahilan kung bakit hindi umusad ang kanyang mga proyekto.
Ngunit ayon sa mga rekord, ang kanyang mga kumpanya ay nabigyan ng 25-year franchises na mabilis na naaprubahan noong administrasyong Duterte, kasama ang eksklusibong service areas, eminent domain privileges, at dose-dosenang power supply contracts.
Critics now ask: kung halos walang hirap sa pagkuha ng prangkisa at kontrata, saan pumapasok ang sinasabing red tape?
“Madaling pumasok ang kontrata, pero hirap mag-deliver,” sabi ng ilang energy observers. “Magkaibang usapin ang access at execution.”
Mas naging matindi ang usapan sa interview niya kay Karen Davila, kung saan sinabi ni Leviste na, “there is no assured support for the project being given.”
Ang pahayag na ito ang nag-udyok ng tanong kung inaasahan ba ng entitled crony baby ang hindi lamang kontrata, kundi garantisadong kita at proteksyon mula sa gobyerno.
Tinanong ni Davila kung bakit siya nagrereklamo ng red tape kung mabilis naman umano niyang nakuha ang mga proyekto. Doon naging alanganin ang sagot ni Leviste, umiwas sa tanong at nagbigay ng magkakahalong paliwanag tungkol sa generation, distribution, at monopoly.
Subalit ayon kay Ombudsman Boying Remulla, ang ilang kontrata ni Leviste ay may eksklusibong service areas, na praktikal na naglilimita sa pagpasok ng ibang players.
Kung hindi ka pwedeng pasukin ng iba sa isang lugar dahil hawak mo ang kontrata, that’s already a form of monopoly.
Nang muling tanungin tungkol sa kabiguang magpatupad ng mga proyekto kahit may political access at pribilehiyo, nagbago ang tono ni Leviste. Nagbanggit siya ng posibilidad ng “maglabasan ng baho” at nagsabing maaaring “mawala sa ere” ang TV show ni Karen, pahayag para bang veiled threat laban sa media.
Ang mga isyung ito ay lumutang kasabay ng naunang pahayag ni DOE Secretary Sharon Garin na may mga kontratang na-corner umano upang ibenta sa ibang kumpanya sa kalaunan.
Ngunit nang walang interesadong bumili, nanatiling hindi naipatupad ang ilan sa mga proyekto. May mga ulat din na sinubukan pang i-donate ang ilang kontrata upang maiwasan ang penalties.
Sa ngayon, walang lusot ni Leviste dahil ang MGEN-Meralco na bimili ng kanyang SPNEC ay naging successful daman diumano. In fact, ayon pa kay Garin, ang SPNEC na na-acquire ng MGEN ang pinaka-successful sa mga solar firms na natatag ni Leviste.
Para sa mga kritiko, hindi ito simpleng usapin ng red tape.
“Ito ay kwento ng entitlement,” sabi ng ilang mga netizens. “Kapag sanay ka sa special treatment, nagiging problema ang accountability. At sa energy sector, hindi puwedeng drama ang pinapalit sa delivery.”