
Mainit ang usapan sa energy sector matapos mag-resign si Batangas Rep. Leandro Leviste sa board ng SP New Energy Corp. (SPNEC), dalawang araw lang matapos niyang ipasa sa MGEN–Meralco group ang P24-bilyong penalty ng DOE sa mga delay at violations ng solar projects.
Sa presscon kamakailan, iginiit ni Leviste na hindi siya o ang Solar Philippines ang liable, kundi ang SPNEC na binili ng MGEN-Meralco. Pero mariing itinanggi ito ng kampo ni Manny V. Pangilinan, sabay sabing hindi nila sasagutin ang obligasyong nagmula sa kumpanya ni Leviste.
Mas lalo pang lumabo ang depensa ni Leviste habang ginisa ng media, at mismong DOE na rin ang nagsabing Solar Philippines ni Leviste, hindi Meralco, ang may pananagutan sa penalties.
Ngayon, matapos ipasa ang multibilyong problema sa buyer, bigla siyang umatras sa board. Kaya ang tanong ng publiko: damage control ba ito o pag-iwas sa pananagutan?
Sa solar scandal na ito, malinaw ang issue: kung ikaw ang kumita sa proyekto, bakit sa iba mo ipapasa ang P24B na sablay?