
A possible political quid pro quo is now under scrutiny after former Manila Mayor Lito Atienza revealed how Sen. Loren Legarda allegedly used political power to fast-track a “super franchise” for the solar firm of her son, now Batangas Rep. Leandro Leviste, during the Duterte administration.
Ayon kay Atienza, na deputy speaker ng Kamara noong panahon ni former President Rodrigo Duterte, personal daw niyang nasaksihan kung paano agresibong ni-lobby ni Legarda ang Kongreso para pabilisin ang pagpasa ng prangkisa para sa solar company ng kanyang anak.
Mas lalong naging kontrobersyal ang rebelasyon nang sabihin ni Atienza na simula’t sapul ay may “bad faith” na umano ang kumpanya ni Leviste. Isipin mo, P1 million lang daw ang capitalization, pero ang target ay isang “super franchise” para sa malalaking solar projects.
Giit ni Atienza, kitang-kita raw na kulang sa kakayahan at kapital ang firm ni Leviste, at marami rin sa mga industry players ang tutol sa pagbibigay ng espesyal na pribilehiyo rito.
Sa katunayan, inamin ni Atienza na kinausap pa raw siya ni Legarda para tumulong sa pagpasa ng panukalang batas na kalaunan ay naging Republic Act 11357, na nagbigay ng super franchise sa kumpanya ng kanyang anak.
Nang makita ni Atienza na sapat na ang suporta ni Legarda sa Kongreso, nagdagdag pa umano siya ng mahahalagang probisyon sa batas, kabilang ang pagbabawal sa pagbebenta ng prangkisa sa foreign investors at power giants sa Pilipinas, para pigilan ang paggamit ng franchise bilang pang-trading asset.
Dahil dito, hayagan ngayong sinusuportahan ni Atienza ang imbestigasyon ng Ombudsman laban kay Leviste at sa mga kumpanyang konektado sa kanya.