
Ngayong Miyerkules, January 28, humarap na sa Sandiganbayan Fourth Division si former Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez kasama ang dalawa niyang co-accused sa kasong isinampa kaugnay ng dating senador na si Ramon “Bong” Revilla.
Maaga pa lang, dumating na ang mga akusado sakay ng van na may mahigpit na military escort, kahit pa umuulan, at diretsong umakyat sa korte para sa kanilang arraignment at pre-trial.
👉 Sa pagdinig, nag-plead ng “not guilty” sina Hernandez at ang iba pa sa graft charges kaugnay ng umano’y P92.8-milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan na pinondohan pero sinasabing hindi naman talaga naipatupad.
👉 Samantala, ang isa pang akusado na si Engr. Arjay Domasig ay humiling ng reset ng arraignment matapos umalis ang kanyang abogado. Itinakda ang kanyang pagharap sa korte sa February 9, kasabay nina Revilla at Juanito Mendoza, na naghain din ng mga motion sa korte.
👉 Bukod sa graft, haharap din ang lahat ng akusado sa malversation charges sa parehong petsa.
📌 Sa February 19, isasagawa ang pre-trial para sa mga na-arraign na akusado.
📌 Samantala, si Revilla na kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Jail sa Payatas ay naghain na rin ng mosyon na ilipat sa Camp Crame, dahil umano sa security concerns.