BREAKING: DDS Protest sa Cebu, Hinarang ng Pulis; Mike Defensor Umiiyak ng ‘Martial Law’

Nauwi sa gulo ang tinatawag na “motorcade” ng kampo ni Mike Defensor sa Cebu matapos itong harangin ng pulisya dahil umano sa kawalan ng permit mula sa Cebu City government.

Ang insidente ay nangyari ilang araw matapos mabasura sa Kongreso ang performative impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil walang nag-endorso sa reklamo.

Ayon sa mga pulis, ang grupo ng mga riders ay hindi simpleng dumaraan kundi nagsasagawa ng aktibidad na kahawig ng protest rally. May mga narekober na placards at materyales na ginagamit sa demonstrasyon.

Sa halip na sumunod, nag-ingay sa social media si Defensor at iginiit na “motorcade” lang umano ang kanilang ginagawa. Tinawag pa niyang “martial law sa Cebu” ang pagpigil ng mga awtoridad.

Ngunit giit ng Cebu City LGU, walang permit na inisyu para sa anumang rally o political activity ng grupo. Dahil dito, pinatigil ang aktibidad para maiwasan ang abala sa trapiko at posibleng kaguluhan.

Kasama sa mga naaresto ang kilalang DDS fake news peddler na si Jun Abines, isa sa mga lider ng grupo. Sa mga larawang kumalat online, makikita ang ilang kalahok na may hawak na placards, kontra sa kanilang depensang “dumadaan lang.”

Mula sa failed impeachment stunt hanggang sa Cebu drama, muling napuna ang political theater ng DDS camp—na sa halip na mensahe, ang naihatid ay ingay, alibi, at viral na iyakan.

Leave a comment