Leandro Leviste Mag-aabroad ng 168 Days Habang May Nakaambang Solar Probe

Tahimik na humingi ng clearance si Batangas Rep. Leandro Leviste kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III para sa isang mahaba at kakaibang global trip, 168 days sa 19 na bansa, habang humihigpit ang pagsusuri sa kanyang solar business.

Batay sa kopya ng travel request, aalis si Leviste mula Pebrero 8 hanggang Hulyo 26, 2026, at iikot sa U.S., Hong Kong, Singapore, Indonesia, Cambodia, Timor-Leste, France, Germany, Belgium, Netherlands, Italy, Switzerland, Austria, Portugal, Spain, Australia, United Kingdom, China, at United Arab Emirates.

Iginiit ng kongresista na walang gastos ang Kongreso sa biyahe. Pero ang timing ng kanyang pag-alis ay tumatapat sa nakatakdang imbestigasyon ng House Committee on Public Accounts sa Solar Para Sa Bayan, ang kumpanyang itinatag niya.

Iniimbestigahan ang kumpanya kaugnay ng umano’y franchise violations matapos maibenta ang prangkisa sa grupo ng bilyonaryong si Manuel V. Pangilinan.

Habang paparating ang hearing, isang tanong ang umuugong: bakasyon ba ito, o pag-iwas sa init ng imbestigasyon?

Read more: Leandro Leviste Mag-aabroad ng 168 Days Habang May Nakaambang Solar Probe

Leave a comment