‘Tokhang-Style’ Cop-Robbers Nabuking sa Makati — Matagal na Raw, Ngayon Lang Nahuli

Anim na pulis na nakatalaga sa Malate Police Station ang inaresto matapos masangkot sa sunod-sunod na holdup, torture, at pagnanakaw sa Makati gamit ang paraang kahawig ng mga abusong naging marka ng Tokhang operations noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, pananakot, pagbanggit ng “droga,” at pangingikil.

Nabuking ang grupo matapos salakayin ang isang 55-anyos na lalaki noong Enero 28 sa Barangay San Isidro, Makati. Papalabas lang sana ng bahay ang biktima para bumili ng bigas nang lapitan, bugbugin, at sunugin ang balat gamit ang lighter bago tangayin ang pera at cellphone.

Sa hiwalay na insidente noong Enero 24, pinasok din ng mga suspek ang bahay ng isang babae at isang 57-anyos na lalaki. Nagpakilala silang pulis, may takip ang mukha, at agad nagbitaw ng linyang pamilyar sa Tokhang.

Tapos may dumating na po ng mga police. May sinasabi may droga, droga daw. ‘Ikaw, dumapa ka rin. Huwag kang titingin,’” salaysay ni Rose Marie.

Tinukan umano ng baril ang lalaki, pinadapa, tinalian ang kamay, at kinuha ang mahigit P50,000, $9,000, wallet at cellphone.

Ang sigaw po nila, mga pulis sila… asan yung droga? asan yung droga?” dagdag ng biktima.

Ayon sa mga residente, hindi ito unang beses.

Madalas po silang napapasok dito. Marami na pong nagrereklamo sa kanila,” ani Rose Marie.

Nahagip sa CCTV ang pagpasok ng mga suspek sakay ng limang motorsiklo sa eskinita. Matapos ang sumbong ng isang residente, rumesponde ang Makati PNP at SWAT na nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na pulis, kabilang ang isang police sergeant.

Narekober ang mga motorsiklo at ilang cellphone, pero P12,000 na lang ang natirang cash, indikasyon umano na posibleng matagal nang umiikot ang operasyon.

Dahil sa insidente, tinanggal sa puwesto ang station commander ng Malate Police Station at ang buong Station Drug Enforcement Unit habang iniimbestigahan ang posibleng command responsibility at sabwatan.

Ayon sa NCRPO, hindi palalampasin ang kaso.

We will investigate for command responsibility. Hindi natin iti-tolerate ang ganitong gawain ng pulis,” pahayag ng pamunuan.

Para sa publiko, malinaw ang pattern: mga pulis na nasanay sa Tokhang-style rewards at ‘droga narrative’ noon, ginawang negosyo ang pananakot at extortion.

At ang tanong ngayon: ilang taon na itong ginagawa, at ilan pa ang hindi pa nagsasalita?

Leave a comment