BREAKING: Asawa ng Police Mom, Nasa Kustodiya na Matapos Ituro ng Suspek

Nasa kustodiya na ng pulisya ang estranged husband ng pinaslang na policewoman na si Police Senior Master Sergeant Diana Marie Mollenido matapos siyang idawit ng isa sa tatlong naarestong suspek sa kaso, kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) nitong hapon ng linggo.

Kinilala ang nasa kustodiya bilang si Police Senior Master Sergeant John Mollenido, na una nang idineklarang person of interest at siya ring nag-report sa pagkawala ng mag-ina noong nakaraang buwan.

Ang mga biktima, si Mollenido at ang walong taong gulang na anak na si John Ysmael, ay natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar matapos umanong makipag-meeting sa mga suspek noong January 16 kaugnay sa bentahan ng sasakyan.

Noong kagabi, alas-otso, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang tatlong suspek sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Isa sa mga suspek, ang car dealer na si Pia Katrina Panganiban, na inaanak pa sa kasal ng biktima, iginiit na inosente raw ang kanyang asawa na si Christian Suarez Panganiban, isang dating pulis na sinibak sa serbisyo, at itinuro si John Mollenido bilang umano’y responsable sa sinapit ng kanyang mag-ina.

Dahil dito, inilagay sa kustodiya si John Mollenido para sa masusing interogasyon habang patuloy ang imbestigasyon ng QCPD upang matukoy ang tunay na papel ng bawat sangkot sa kaso.

Read more: BREAKING: Asawa ng Police Mom, Nasa Kustodiya na Matapos Ituro ng Suspek

Leave a comment