Leviste’s World Tour Raises Eyebrows as House Probe Looms

Isa na namang head-scratching move ang ginawa ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste matapos niyang humiling ng clearance para maglakbay sa 19 bansa sa loob ng susunod na anim na buwan, kahit naka-schedule pa ang sessions ng Congress.

Nang tanungin kung bakit biglang world tour, nagbigay si Leviste ng malabo at cryptic na sagot.

Sinabi niya na ito ay ayon sa request ng “high-level representatives ng administrasyon” sa pamamagitan ng kanyang ina, Senator Loren Legarda. Pero iginiit niyang dadalo pa rin siya sa Congress kung papayagan.

“I asked for the travel authority upon the request of representatives of the administration who asked that I go abroad and stop releasing evidence linking government officials to anomalous DPWH projects, but this does not mean I will be abroad for the whole time,” sabi niya sa Viber noong January 30.

Kasama sa kanyang itinerary ang China, US, Portugal, Spain, Switzerland, at Netherlands, kung saan kasalukuyang nakakulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, na nagbunsod ng speculation kung plano ba niyang makipagkita sa dating presidente.

Pero iginiit ni Leviste na layunin niya lang ay bisitahin ang Filipino communities sa abroad.

Kilalang kritiko ng DPWH si Leviste, lalo na sa pagbunyag ng controversial na “Cabral files” na naglalantad ng pondo sa bawat distrito.

Pero ngayon, siya rin ay nasa ilalim ng scrutiny: iniimbestigahan siya ni Ombudsman Boying Remulla dahil sa alleged na pagbebenta ng solar energy franchise sa tycoon na si Manny V. Pangilinan nang walang approval ng Congress.

Ngayon, maraming nagtataka: ang world tour ba ni Leviste ay strategic move ng batang kongresista sa ilalim ng pressure, o para umiwas sa paparating na imbestigasyon sa kanyang mga negosyo?

Ayon sa ilang sources, mas malaki ang travel request ni Leviste kaysa sa dating Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, na 16 bansa lang ang hiniling noong nakaraang taon.

Leave a comment