BREAKING: Walls Are Closing In kay Sen. Joel Villanueva, Malversation Case Submitted for Resolution — DOJ

Umiigting ang pressure kay DDS Senator Joel Villanueva matapos kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na naisumite na for resolution ang isa sa mga malversation cases laban sa kanya — isang kasong itinuturing na non-bailable offense.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, ang kasong hawak mismo ng DOJ laban kay Villanueva ay tapos na sa imbestigasyon at naghihintay na ng desisyon.

“’Yung isang kaso pending dito sa amin where Senator Villanueva is charged with malversation is already submitted for resolution,” ani Fadullon nitong Biyernes.

Nilinaw ni Fadullon na ang tinutukoy niya ay ang kasong nasa hurisdiksiyon ng DOJ at hindi kasama ang anumang posibleng reklamo na maaaring nakabinbin sa Office of the Ombudsman.

“Ang kaya lang naming sagutin ay ’yung kaso na nandito sa amin,” dagdag niya.

Sa ngayon, tatlong magkakahiwalay na malversation complaints ang kinahaharap ni Villanueva sa DOJ. Lahat ng ito ay konektado sa allegedly anomalous flood control projects sa Bulacan, na sinasabing sentro ng umano’y katiwalian sa ilang proyekto ng DPWH at ng mga co-conspirators nito.

Each case is classified as non-bailable, at ilan sa mga reklamo ay nasa preliminary investigation habang ang iba ay dumadaan pa sa masusing review ng mga piskal.

Si Villanueva, na kilala rin bilang isang ordained pastor at minsang tinatawag na “bishop” ng kanyang congregation, ay dati nang nakalusot sa mga kontrobersiya noong nakaraang administrasyon. Ngunit ngayon, ayon sa mga opisyal, nag-iba na ang ihip ng hangin.

Kung magpapatuloy ang kaso at maglalabas ng pormal na sakdal, posibleng humarap ang pastor-senador sa agarang pagkakakulong dahil sa bigat ng non-bailable charges.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Villanueva kaugnay sa development na ito.

Leave a comment