BREAKING: ICC Names 8 Alleged Co-Perpetrators in Duterte Drug War Case — Kasama sina Bato at Bong Go

Lumabas sa mas kaunting redacted na bersyon ng Document Containing the Charges (DCC) na inihain ng Office of the Prosecutor noong Feb. 13, 2026 na may walong dating matataas na opisyal ang tinukoy bilang alleged co-perpetrators sa crimes against humanity case laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama sa mga pinangalanan: sina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.

Sa 16-page filing, inaakusahan si Duterte ng indirect co-perpetration, pag-uutos, at pag-aiding and abetting sa pagpatay ng hindi bababa sa 78 indibidwal sa ilalim ng kanyang “war on drugs” mula 2011 hanggang 2019.

Ayon sa ICC prosecutors, may umano’y “common plan” para i-“neutralize” ang mga pinaghihinalaang kriminal, lalo na ang may kaugnayan sa droga, gamit ang mararahas na paraan kabilang ang murder.

Sa dokumento, detalyado ang sinasabing simula pa noong mayor pa si Duterte sa Davao City, kung saan umano’y ginamit ang local police at non-police hitmen na kilala bilang Davao Death Squad (DDS). Sinasabi rin na si Duterte ang nasa “apex” ng istrukturang ito at kailangan ang kanyang approval sa operasyon.

Nang maging pangulo noong 2016, lumawak umano ang operasyon nationwide. Ayon sa filing, ilan sa mga co-perpetrators ay inilagay sa matataas na posisyon — gaya ni Dela Rosa bilang PNP Chief at ni Go bilang Special Assistant to the President — at umano’y nagtatag ng “National Network” para ipagpatuloy ang operasyon sa buong bansa.

Bukod kina Bato at Go, kabilang din sa pinangalanan sina Vicente Danao, Camilo Cascolan, Oscar Albayalde, Dante Gierran, Isidro Lapeña, at Vitaliano Aguirre II, pati na ang iba pang miyembro ng PNP at high-ranking government officials.

Leave a comment