“May Destabilization Aspect…” — Sabog ang Script, Bagsak sa Background Check?

Timing na timing. Habang naka-line up ang confirmation of charges ni Digongyo sa ICC at kasabay ng February EDSA events, biglang may pasabog na “revelation” mula sa kampo ng DDS: 18 daw na dating sundalo ang naghatid ng bilyong pisong cash sa mga matataas na opisyal.

Pero heto ang twist.

Humirit si Sen. Ping Lacson ng background at record check sa mga ex-soldiers na ito. At ayon sa initial findings? May ilan na dishonorably discharged. May iba pa na hindi naman pala miyembro ng Philippine Navy. Boom.

Duda si Lacson. Aniya, may “destabilization aspect” ang galawang ito. Hindi lang daw basta exposé, may amoy political operation.

Kaya sumulat na siya sa Philippine Navy at Philippine Army para ma-verify ang records ng 18 na sinasabing “witnesses.” Klaro ang punto niya: bago umandar ang imbestigasyon, siguraduhin munang credible ang source para hindi magamit ang Blue Ribbon Committee sa political propaganda.

Hindi lang credibility ang sablay. Ayon pa kay Lacson, mathematically questionable ang kuwento tungkol sa “suitcases of money” na umano’y napunta kay Zaldy Co. Ibig sabihin, pati sa numero, may butas.

Samantala, isa sa mga pinupuntirya ng umano’y political assassination propaganda ay si Senate President Tito Sotto. Paratang: tumanggap daw ng bribe money. Sagot ni Sotto: mariing pagtanggi.

Sa press conference kung saan inilatag ang alegasyon, ipinakilala ni Atty. Levi Baligod ang grupo ng dating Marines na nagsabing naging security umano sila ni Zaldy Co at nag-deliver ng cash sa “undisclosed officials.”

Pero mula sa Palasyo, diretsahan ang sagot ni Palace Press Officer Claire Castro: “Lousy script, not award-worthy.” Ayon sa kanya, paulit-ulit na kasinungalingan lang ito laban sa Pangulo — isang smear campaign na halatang may falsehood.

Ngayon ang tanong: kung solid ang ebidensya, bakit bumabagsak sa simpleng background check? At kung legit ang whistleblowers, bakit may dishonorable discharge at questionable records?

Leave a comment