Script Pa Lang, Butas-Butas Na? Baligod Allegations Face Early Scrutiny

Hindi pa man umaabot sa korte o kahit sa pormal na imbestigasyon ang mga paratang ni DDS Atty. Levito Baligod laban sa ilang personalidad, tensiyonado na agad ang debate sa publiko.

Sa halip na lumakas ang kaso, mas maraming netizens ang napapansin ang tila magkakabuhol-buhol na detalye ng kwento.

Nagtungo si Baligod sa Office of the Ombudsman para isumite ang affidavit ng sinasabing 18 former marines.

Ayon sa dokumento, may mga dating sundalo umanong nag-deliver ng maleta-maleta ng pera sa ilang pulitiko, ICC members, at iba pang personalidad.

Ngunit may mga tanong agad na lumutang, kabilang ang isyu na ilan umano sa mga testigo ay hindi naman naging miyembro ng Philippine Navy at may dishonorable discharge pa.

Lalong nabuking ang “lousy” o palpak na script ng mga DDS nang aminin ni Baligod sa isang interview na nagkamali siya at naisama ang pangalan ni Rep. Leila de Lima sa listahan.

Agad itong kinuwestiyon ni De Lima at tinawag na imbento at paninira ang mga paratang. Idinagdag pa niya na delikado para sa isang abogado ang maglaro sa mga ganitong akusasyon.

Sa panayam naman sa One News kasama si Ed Lingao, naging sentro ng diskusyon ang isyu ng conversion ng umano’y milyon-milyong halaga sa dolyar kung dito rin lang gagastusin sa Pilipinas.

Para sa ilang nanood, hindi naging malinaw ang paliwanag ni Baligod sa puntong ito.

May iba pang detalyeng pinuna ng netizens.

Sa press conference na ginanap bago ang ICC confirmation of charges at EDSA anniversary, napansin na tila nagpapasahan ng mikropono ang mga ex-soldiers habang si Baligod ang sumasagot sa mahihirap na tanong.

May mga alegasyon din ng paggamit umano ng AI-generated o altered photos, kabilang ang larawang ipinakita sa media na ayon sa ilang observers ay may indikasyon ng digital manipulation.

Pumasok din sa diskusyon si Senator Ping Lacson. Sa isang interview sa Senado, sinabi niyang tila mathematically impossible ang daang bilyong pisong umano’y idiniliver ng mga dating sundalo.

Bukod pa rito, kinuwestiyon din niya ang timing ng paglabas ng isyu at binanggit ang posibilidad na may destabilization aspect ito.

Habang wala pang pormal na pagdinig sa korte, malinaw na nasa ilalim na ng matinding public scrutiny ang mga paratang.

Sa dami ng inconsistencies na napupuna pa lamang sa unang yugto, mas titindi ang pagsusuri kapag sumailalim na ito sa legal process.

Ang malaking tanong ngayon, sapat ba ang ebidensiya para tumayo sa korte o mananatili itong kontrobersiyang mas maingay kaysa matibay?

Leave a comment