From Benhur Luy List to the “Baligod List”: Same Style, Same Kalokohan, Same Pattern?

Mukhang déjà vu na naman ang eksena kay Atty. Levito Baligod.

Kilala ngayon ang abogado bilang isang DDS apparatchik at scriptwriter na biglang sumulpot na may dalang listahan ng diumano’y 18 ex-marines na may mga rebelasyon. Pero habang tumatagal ang usapan, tila nauubos ang bilang: mula 18, naging mahigit-kumulang sampu na lang ang sinasabing testigo.

Parang naging elimination round tuloy ang drama matapos siyang bigyan ng assignment ni Ombudsman Boying Remulla.

Mas lalong naging katawa-tawa ang sitwasyon nang isumite ni Baligod sa Ombudsman ang isang group affidavit para sa mga diumano’y testigo.

Sa basic legal practice pa lang, alam na ng maraming abogado na ang mga ganitong testimonya, lalo na kung tungkol sa personal na nasaksihan o personal recollection, ay dapat individual affidavits.

Ibig sabihin, bawat testigo ay may sariling salaysay. Pero sa galaw ni Baligod, parang group project sa classroom ang ginawa niya, kaya group affidavit din ang resulta.

Ang problema, hindi ito unang beses na nasangkot si Baligod sa ganitong klaseng kontrobersiya. Mahigit isang dekada na ang nakalipas, pinuna na siya ni late Senator Miriam Defensor Santiago dahil sa mga mali-mali at kuwestiyonableng listahan na inilabas niya sa kasagsagan ng PDAF controversy.

Sa puntong iyon, umabot pa sa usapan ang posibilidad na ipa-disbar siya dahil sa kanyang mga ginawa.

Bago pa man iyon, mismong Benhur Luy, ang whistleblower sa PDAF scandal, ang nagtanggal kay Baligod bilang abogado dahil umano’y naging “busy sa ibang bagay.” 

At kung ano ang mga “ibang bagay” na iyon, nalinawan noong 2016 nang mag-file si Baligod para tumakbo bilang senador.

Kaya sa mata ng maraming nagmamasid sa pulitika, hindi na bago ang pattern: maglabas ng kontrobersyal na listahan, magpasabog ng isyu, at pagkatapos ay pumasok sa politika.

Sa madaling sabi: same style, same kalokohan, same pattern.

Hindi tuloy maiwasan ng ilang netizen na magtanong: ang tunay bang target ay katotohanan, o political positioningpara makasali sa posibleng senatorial lineup nina Inday Sara sa 2028, kasama ang mga kaparehong pangalan tulad ni Mike Defensor?

Leave a comment